Sa pagmamahal ng Dios sino ang makahihigit, mayron ka bang nababatid? Bugtong na Anak hindi Nya ipinagkait, nanaog sa mundo, nagdusa’t dumanas ng libong sakit
Oh, purihin Ka sa dakilang pagmamahal Mo, kahit bayaran Ka, Hindi sapat ito upang ibalik ang dugong itinigis ng Iyong Anak para sa ‘kin.
Dakilang Dios, kaybuti Mo sa isang tulad kong masuwayin sa nais Mo Di man pansin laki ng pagmamahal Mo, tinaggap pa rin Ako, pinatawad sa mga kasalanan ko. Oh, purihin Ka sa dakilang pagmamahal Mo, kahit bayaran Ka, Hindi sapat ito upang ibalik ang dugong itinigis ng Iyong Anak para sa ‘kin.
Salamat po, Panginoon dahil sa pag-ibig Mo, buhay ko ay nabago Tanging Ikaw lamang papupurihan ko, purihin ang Ngalan Mo, O Ama dakila ang pagmamahal Mo Oh, purihin Ka sa dakilang pagmamahal Mo, kahit bayaran Ka, Hindi sapat ito upang ibalik ang dugong itinigis ng Iyong Anak para sa ‘kin.
1 comment:
Anonymous
said...
Many thanks for posting for us. Have you by any chance got the chords for this music? We'd like to sing this during Filipino Mass next month.
Lord Jesus, forgive me for being a sinner and for all the sins that I have committed. Starting now, I put my trust in You. I receive You as my personal Lord and Savior. Enter my heart and save me. Amen.
1 comment:
Many thanks for posting for us. Have you by any chance got the chords for this music? We'd like to sing this during Filipino Mass next month.
With continued blessings to both of you,
Raych
Post a Comment